INIIMBESTIGAHAN ng Benguet PNP ang sanhi ng pagbulusok ng isang pick-up truck sa bangin na ikinasawi ng tatlo katao habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan sa nasabing aksidente noong Lunes sa Itogon Benguet.
Dead on the spot si Charles Oplas, 21, habang idineklarang patay na nang idating sa pagamutan sina Jefferson Oplas, 29, ang driver ng pick-up truck, at Ruvelyn Agapinan.
Kinilala naman sugatang pasahero na si Luisito Bacoco, 14, kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Lumitaw sa inisyal, pagsisiyasat, nawalan ng kontrol si Jefferson Oplas sa kanyang minamaneho at tumama sa concrete barrier hanggang mahulog sa 100 metrong lalim na bangin sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.
Ang mga biktima, pawang mga residente ng Barangay Loacan, Itogon, ay patungong Baguio City nang mangyari ang aksidente. (JESSE KABEL RUIZ)
