COMELEC NA-TRO NA NAMAN NG SC; PRINTING NG BALOTA, MAUUNSYAMI

MULING naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang high tribunal laban sa Comelec, ayon kay Atty. Camille Ting, spokesperson ng SC sa press conference kahapon.

Dahil dito, posibleng maunsyami ang planong pag-imprenta ng balota ngayong araw (Miyerkoles) ng Comelec para sa 2025 midterm elections.

Kasunod ito ng panibagong TRO na inilabas ng Supreme Court laban sa Comelec na pumabor sa lahat ng petisyon na isinampa ng mga kandidato sa midterm elections.

Inatasan din ng SC ang Comelec na magkomento sa loob ng 5 araw para sagutin ang petisyon na inihain ng senatorial candidate na si Francis Leo Marcos na humihiling na ibasura ang disqualification case laban sa kanya dahil umano sa pagiging nuisance candidate.

Sinabi ni Atty. Ting na umabot na sa libong petisyon ang naisampa sa Supreme Court simula pa lang ng pag-file ng COC noong nakalipas na taon mula sa senatorial at mayoralty aspirants. (JULIET PACOT)

45

Related posts

Leave a Comment