P3-M BATO NASAKOTE SA HVI SA RIZAL

RIZAL – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng PDEA at PNP ang isang high value individual sa matagumpay na buy-bust operation sa parking lot ng isang grocery warehouse sa Barangay San Juan, sa bayan ng Taytay noong ng Lunes ng umaga.

Nasamsam sa suspek na si alyas “Ali”, 53-anyos, tricycle driver, at residente ng Bagong Sibol Street, Barangay San Juan, sa nasabing bayan, ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400,000.

Ayon sa mga awtoridad, matagal nang minamanmanan si Ali na itinuturing na high value target sa kanilang listahan.

Nakakulong na ang suspek sa PDEA Custodial facility sa Regional Office sa Sta. Rosa, Laguna.

Haharapin ni Ali ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

50

Related posts

Leave a Comment