INANUNSYO ni US President Donald J. Trump nitong Miyerkoles na nakabuo ang Pilipinas at Estados Unidos ng isang malaking kasunduan sa kalakalan sa gitna ng bilateral na pag-uusap ng dalawang lider sa Palasyo ng Malacañang.
“We’ve just consummated a very big trade deal, the biggest trade deal we’ve ever made by far, and it’s a fair deal for both countries, and we’re very happy with it,” pahayag ni Trump sa state luncheon sa Malacañang.
“I’m proud to say that we’re making the alliance between the United States and the Philippines much stronger than it’s ever been before, especially with the consummation of this deal,” dagdag pa niya.
Gayunman, hindi nagbigay si Trump ng karagdagang detalye tungkol sa nilalaman ng kasunduan.
Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez na may kaugnayan ang kasunduan sa suplay ng pagkain at enerhiya.
“The US offered for us to diversify our food supply and energy requirements,” ayon kay Romualdez.
Sa kanyang talumpati sa naturang luncheon, sinabi naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na pinatitibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang ugnayan at pagtutulungan sa kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, teknolohiya, katatagan, suplay ng mga produkto, edukasyon at iba pang mahahalagang sektor.
“I am confident that your visit will give fresh momentum to our partnership and open new opportunities for our two countries to work even more closely together for our peoples, for our region, for the peace and prosperity that we all seek,” pahayag ng Pangulo.
Nasa Pilipinas si Trump mula Nobyembre 17 hanggang 18. Dumating siya nitong Martes upang dumalo sa ika-49 na Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang kaugnay na pagpupulong.
Nagdulot naman ng mga protesta mula sa iba’t ibang grupo sa bansa ang kanyang pagbisita, partikular na may kaugnayan sa panukalang inisyatiba na tinatawag na Pax Silica.
(CHRISTIAN DALE)
48 