PINAS LAGLAG NA SA TOP 20 Sa mga bansang may mataas na covid cases

HINDI na mapigilan ang paglayo ng ranking ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na mula sa dating pagkakasama sa top 20 countries with the most number of corona virus cases ay nasa ika-32 na lang aniya tayo ngayon.

“Ang posisyon po natin worldwide ay tayo po ay nasa 32nd place. Kung maaalala ninyo po noong October 1, 2020 nasa 20th place tayo at panay po ang pambabatikos, lalung-lalo na ng media sa atin bakit nasa 20th place tayo,” ani Sec. Roque.

“Ngayon po, binabalita ko nasa 32nd place tayo. Hindi po tayo nagyayabang pero patunay lang po ito na ang mga Pilipino eh natanggap po ang mensahe ng ating presidente. Kinakailangan pag-ingatan ang buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

Sa kabilang dako’y sinabi ni Roque na hindi naman dapat ikapangamba kung umabot na sa 500,000 mark ang kaso ng covid sa bansa.

Mula aniya kasi sa nasabing datos ay nasa higit 26 na libo ang nasa kategoryang active cases.
(CHRISTIAN DALE)

84

Related posts

Leave a Comment