UMAASA ang Malakanyang na kabilang ang Pilipinas sa mababahaginan ng Russia matapos mapaulat na natapos na nito ang pagsusuri sa posibleng kauna-unahang gamot laban sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, batid naman ng lahat na hangga’t walang natutuklasang vaccine kontra COVID ay hindi magbabalik sa normal ang pamumuhay sa Pilipinas at maging sa buong mundo.
Aniya, batay sa ipinatutupad na foreign policy ni Pang. Duterte, ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat at hindi kalaban ng kahit sinumong bansa.
Kaya umaasa ang pamahalaan na sakali’t may natuklasan na ngang gamot ang Russia ay kabilang sana ang Pilipinas sa agad na mababahaginan nito. (CHRISTIAN DALE)
