PINIRATANG PANTALON BISTADO SA MINDANAO

HUDER ang kabuhayan ng negosyante sa likod ng bigong tangkang magpuslit sa bansa ng mga piniratang tatak ng mamahaling pantalon sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa ulat ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO), tumatagin­ting na P48.9-milyong halaga ng pantalong inangkat pa mula sa bansang Bangladesh ang kinumpiska sa pinagsanib na operasyon ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang mga kinatawan mula sa Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI).

Ayon kay BOC-CDO District Collector Alexandra Yap-Lumontad, nakatanggap ng impormasyon ang kawanihan hinggil sa nakapasok na container na naglalaman ng mga pantalon na kargado ng mamaha­ling tatak sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan noong Pebrero 24.

Nang beripikahin, lumabas na nasa naturang pasilidad pa ang nasabing kargamento – hudyat para sa agarang paglabas ng Pre-Lodgement Control Order (PLCO) bunsod ng posibleng paglabag sa Republic Act 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Sa pagsusuri ng target na kargamento sa MCT, tumambad ang santambak na pantalong kargado ng tata Guess at Zara.
(BOY ANACTA)

228

Related posts

Leave a Comment