PINOY NA NANINIWALANG BABANGON KAY BBM NABAWASAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NABAWASAN ang bilang ng mga Pilipinong naniniwala na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

Ayon sa 2023 First Quarter Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research, 76% ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang nasabing bilang ay mas mababa sa naitalang 85% sa kaparehong survey noong huling quarter ng 2022.

Nabatid na sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamababang bilang o 59% ng mga naniniwala. Sa Visayas naman ay nananatiling mataas na nasa 87% ang naniniwala sa administrasyong Marcos Jr.

Nakuha pa rin ng Marcos admin ang pulso ng mga nasa Class D o working class na may 78% habang hati ang pulso ng mga nasa middle hanggang upper class sa pamumuno ng Pangulo.

Isinagawa ang survey noong March 24 hanggang 28 kung saan 1,200 adult Filipino respondents ang sumagot.

Hindi lang sa nasabing survey ng OCTA nakita ang saloobin ng publiko kundi maging sa social media.

May mga naniniwala naman na may halong daya ang tanong at posibleng nalito ang mga tinanong.

Cypfernando:
If you asked what direction it is taking you would get a divergent set of responses. Wrong question.

Kulotissima:
True.
Impyerno direction.

Niko Last:
Asan ba yang survey na yan? May access ba lahat?

Good luck PH:
Tinanong ba respondents kung bakit ganun ang tingin nila? Baka mamaya hanggang first level lang yung hope…

Pilosopo Tasyo:
Right direction patungong kangkungan!

Romel:
Only Pulangaws will believe this survey

Yann:
Mind conditioning strikes again

Nardz Tupal:
Direction is heading right to VERY EXPENSIVE FOOD PRICES.

James Taberna:
Direction para sa mas magandang buhay ng mga magnanakaw sa govt

SaAkinLangNaman:
Luh deluls ata nag-poll nito. Talaga po? Baka di po Pinoy nainterview nio? O baka yan yung mga oligarchs na yumayaman dahil sa kapalpakan ni Pulangot. Right direction sa imburnal tlaga!

Hanzo:
Alam ko iyan! Survey ng mga tangang Pulangaw na iyan!

kokotimbol69:
yep tallano gold presyo ng bilihin, clap clap to 76%

Akmed:
Sabi sa inyo eh. Tuwing may kapalpakan ang gobyerno, maglalabas ng survey.

Hopeless Romantic Penguin:
The forever poor 76%. Geh lang, asa lang kayo sa presidenteng walang pakialam sa inyo

Corazon Agpasa:
Thank God for PRRD, papunta na tyo sa bangin, nahila pa.

Freedom:
If you think this 76% thinks or if they even exist, think again.

P:
If totoo tong survey, the population is just becoming more in denial/delusional. Pa media ng pa media ng survey results nila… tapos? Still doesn’t change the reality of where we are and what’s happening…

mhow nethzki:
Ano kaya yung right direction na yun? Tigilan na letcheng polls na yan. Kay aga mag-mind condition! Para nga tayong walang lider! Yung mga naboto nung May-2022, ewan ko di ko maramdaman, except sa pabigat sila sa tao. Laki ng sahod, walang nagagawa! One year na, pero wala pa rin

JOJO:
Pakitanong naman po, ANONG RIGHT DIREKSYON ba ang sinasabi nila? Saan nakalagay ang DIREKSYON na yan? Di ba noong kampanya UNITY pang ang sinabi. After 100 days walang report na ginawa, so ano namang KATANGAHAN ang sinurvey ng OCTA?

mylifeallalone:
Sabi ko na nga ba eh! Maglalabas yan ng survey after ng overseas travel ni BBM eh. Tatak at galawang Marcos talaga.

Jhon Dizon:
Mag NATANSONG OFW!!
Uwi na kayo, malapit na daw matupad ang pangarap ni Bonget na magandang buhay para sa mga Pilipino.

210

Related posts

Leave a Comment