PIOLO PASCUAL, KINAINISAN NG FOLLOWERS

KUNG dati, lovable ang karakter ni Piolo Pascual sa kanyang mga serye, naglabasan naman ang mga naiinis sa kanya ngayon dahil sa kakaibang papel niya sa “Flower of Evil” na pinagtatambalan nila ni Lovi Poe.

Habang tumatagal kasi ang serye, lumilitaw ang kakaibang karakter ng aktor na maraming naiinis na followers. Sabi nga its neither black or white, its gray character. Noon pa man bago pa tanggapin ni Piolo ang project, knows na niyang marami ang mabubuwisit sa kanya at siguradong hindi magugustuhan ang kanyang papel.

“You’ll definitely not gonna like him because he’s lying to his wife. He’s lying to himself. So, with the development of the story, as it progresses, that’s what he has to deal with. So, he’s very annoying, definitely annoying,” sabi pa ni Piolo.

Bagaman kakaiba ang ginagampanan na isang good husband at killer, enjoy naman ang aktor na pagbutihan ang trabaho. Kasama rin sa casts sina JC de Vera, Agot Isidro, Denise Laurel, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joross Gamboa, Joko Diaz at Edu Manzano. Sa direksyon ito nina Darnel Villaflor at Richard Arellano.

466

Related posts

Leave a Comment