PLANO SA MANILA GARBAGE CRISIS, IBINIDA SA MGMAC

IBINAHAGI ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang estado ng garbage crisis ng Maynila sa ginanap sa Meeting of Governors and Mayors of ASEAN Capitals (MGMAC) kamakalawa.

Sa naturang forum, sinabi ng bise alkalde ang mga tungkuling hinarap nila ni Mayor Isko Moreno ukol sa mga garbage at pre-termination notices for waste collection contracts dulot ng isyu sa pondo.

Binanggit din nito ang pagpasa ng 13th City Council sa Resolution No. 147 na ang layunin ay magkaroon ng kolaborasyon ang gobyerno, private sector, at mamamayan.

Inihayag din ni Atienza ang estratehiya ng Manila gaya ng Comprehensive 10-year Solid Waste Management Plan (2025-2034), na nais abutin ang 56% waste diversion rate sa pamamagitan ng proactive segregation, recycling at pagpapatayo ng 686 material recovery facilities.

Sa huli, iginiit ang pagsasanib pwersa ng mga lider at mamamayan, para sa mas matatag na pagharap sa mga sakuna.

“When leaders and citizens join forces, as we do in ASEAN, there’s no mess we can’t tackle, no crisis we can’t overcome,” Ani Atienza.

(JOCELYN DOMENDEN)

23

Related posts

Leave a Comment