NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at maging ang PNP Anti-Cybercrime Group, na tumulong pagsisiyasat sa Online Lending Apps na inirereklamo ng naging mga biktima nito.
Ito ay kasunod ng pagdulog ng nasa isang daang complainants ng ilang Online Lending Apps (OLAs).
Hinala ng PAOCC, maaaring may koneksyon ang nagsusulputang online lending apps sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil ang mga nagmamaniobra nito ay pang-i-scam din ang ginagawa.
Lubha umanong nakaaalarma ang paglabag nito sa karapatang pantao partikular sa data privacy act dahil gumagamit ng illegal tactics ang OLAs—gaya ng public shaming, doxing, coercive messaging, at mga pagbabanta pananakot at maging ang pagtawag sa mga kamag-anak at kaibigan ng mga umutang o nag-avail ng loans sa pamamagitan ng kanilang apps.
Tahasan umano itong paglabag sa data privacy, lending regulations, at higit sa lahat sa human dignity ng isang tao
Bukod sa kahihiyan ay naapektuhan na rin umano ang mental health ng mga biktima dahil sa takot na nararamdaman dahil sa mga pagbabanta.
Samantala, inaasahan na mas marami pang matatanggap na reklamo ang CIDG at Cybercrime group hinggil sa online lending apps.
Pahayag naman ni PAOCC Usec. Gilberto DC Cruz, “We are currently handling approximately 150 formal complaints, and we expect this number to increase as more victims come forward. These abusive practices must end, and we are committed to holding perpetrators accountable.”
(JESSE KABEL RUIZ)
