PNP KINUMPIRMA ANG PAGPANAW NI MAJ. JOEVIC RAMOS

PUMANAW na si dating PNP comptrollership chief Major Gen. Joevic Ramos, pitong buwan makalipas masangkot sa aksidente nang bumagsak ang sinasakyang chopper ng Philippine National Police kasama ang iba pang opisyal.

Kinumpirma ni Philippine National Police Spokesperson Col. Ysmael Yu ang pagpanaw ni Ramos.

Matatandaang kabilang si Ramos sa mga sakay ng PNP Bell 429 nang bumagsak ito sa Laguna noong Marso.

Lulan din ng naturang chopper si dating PNP chief na si Archie Gamboa at iba pang mga opisyal.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa mga naulila ni Ramos.

Si Ramos, kabilang sa PMA Sinagtala Class of 1986 ay nagsilbing Director for Comptrollership sa panahon ng pamumuno nina Gamboa at dating PNP Chief Oscar Albayalde.

108

Related posts

Leave a Comment