PNP OK SA ONE STRIKE POLICY VS RIDING IN TANDEM 

(NI JG TUMBADO)

SINANG-AYUNAN ng ikaapat sa pinaka mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang agarang pagsibak sa mga post commanders kapag hindi agad mareresolba ang kaso ng mga pagpatay ng riding in tandem sa kani-kanilang area of concern.

Kaugnay nito, sa ilalim ng “one strike” policy iiral ang pagsibak sa puwesto ng mga police officials kung ang suhestyon ay mabilis na maipatutupad ng liderato ng PNP.

Nitong nakaraang Lunes lamang ay una nang sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Lt. General Camilo Cascolan, na may paiiralin silang polisiya at agad itong ipatutupad ng PNP na ang mga police commanders ay aalisin sa kani kanilang mga puwesto kapag hindi napigilan ang iba’t ibang uri ng pag atake sa kanilang mga lugar.

Partikular na tinukoy ni Cascolan ang kaso ng pag-atake ng New People’s Army (NPA), indiscriminate firing o riding in tandem sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

“Magandang suggestion iyan,” pahayag naman ni PNP Chief of the Directorial Staff Lt. Gen. Guillermo Eleazar. “Iyan po ay aking idudulog sa pamunuan ng PNP para iyan ay mapag-aralan at ma-implement kung kinakailangan.

166

Related posts

Leave a Comment