PNP-PRO5 ABALA SA PREPARASYON SA HOLIDAY SEASON

NAGLATAG ang PNP Bicol, sa pamumuno ni Police Brigadier General Jonnel C. Estomo, ng mga paghahanda para sa paparating na ang holiday season upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan at katahimikan ng rehiyon.

Bahagi ng paghahanda ng PNP Bicol ang maximum deployment ng pulisya sa mga lugar na inaasahang madalas puntahan at dagsain ng mga tao.

Paiigtingin din ang police visibility at mobile patrol upang ganap na masubaybayan ang mga kaganapan sa bawat komunidad sa Bicol.

Pag-iibayuhin din ang paglalatag ng checkpoint at chokepoint na naglalayong siguruhin na mabantayan ang kaligtasan ng mga biyahero na inaasahang uuwi sa kani-kanilang mga mahal sa buhay, at ang istriktong pagpapatupad at pagsunod sa health protocols para maiwasan ang pagkakahawaan ng sakit dulot ng COVID.

Kaugnay nito, ang PNP Bicol ay patuloy ang walang humpay na pagsasagawa ng anti-criminality campaigns upang mapigilan ang masasamang elemento at mga grupo sa pagsasagawa ng opensibang aksyon at pananamantala sa publiko. (JESSE KABEL)

137

Related posts

Leave a Comment