PNP PUMALAG SA ‘VIGILANTE KILLINGS’ TAG SA MARCOS ADMIN

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na walang naitalang “vigilante killings” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Pinalagan ng PNP ang pahayag ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na umano’y patuloy ang mga patayan sa kasalukuyang administrasyon.

Kaugnay nito, inatasan ni PNP Chief Gen. Melencio Nartatez Jr. ang Director for Investigation na repasuhin ang lahat ng kaso ng pagpatay mula Hulyo 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Layunin ng hakbang na matukoy kung may mga hindi pa nalulutas na kaso at kung may mga sangkot na hindi pa nasasampahan ng kaukulang kaso.

Hinamon din ng PNP ang mga nag-aakusa na maglatag ng datos kaugnay ng sinasabing vigilante killings upang agad itong maimbestigahan at mapanagot ang sinomang mapatutunayang lumabag sa batas.

(TOTO NABAJA)

1

Related posts

Leave a Comment