PNP PUMIYOK SA PAGLAYA NI JULIAN ONGPIN *Binabantayan na ng Immigration

TINIYAK ni Philippine National Police chief, Police General Guillermo T. Eleazar na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng 30-anyos na artist na si Bree Johnson na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel sa La Union.

Una nang inihayag ni Julian Ongpin, anak ng multimillionaire na si Roberto Ongpin, na nakuhanan ng 12 gramo ng cocaine ngunit pinalaya ng mga pulis, na nagpakamatay ang kanyang kasamang si Brianna Johnson sa loob ng comfort room ng hotel.

Nilinaw ng PNP Police Regional Office 1 na wala sa kanilang kamay ang nangyaring pagpapalaya kay Ongpin kahit na nakuhanan ito ng droga at nagpostibo sa drug test.

Sa isang TV interview, inihayag ni PRO1 Director PBGen Emmanuel Peralta, “His release from detention was ‘beyond our control,’ Ongpin has been ‘fully cooperating’ with the investigation so far,” pahayag pa ng opisyal.

Si Ongpin ay idinetine matapos na makakuha ng 12.6 grams ng cocaine ang mga pulis sa kuwartong tinutuluyan nila ni Johnson ngunit agad na pinawalan kasunod ng resolusyong ibinaba ng La Union Provincial Prosecutors’ Office.

Sa ulat na ipinarating kay P/Gen. Eleazar, natapos noong Martes ang ginawang autopsy ng PNP PRO1 Crime Laboratory sa bangkay ng artist.

“Naisagawa na ang autopsy sa mga labi ni Bree Johnson at hinihintay na lamang ang official report nito upang mabigyan linaw kung ano ba talaga ang nangyari. Nagtutulungan sa ngayon ang PNP at ang NBI sa pag-iimbestiga ng kasong ito,” ayon sa heneral “Unang nang sinabi ni Ongpin na nag-suicide ang kanyang kasama.

But that we cannot fully conclude as of this time. Tinatapos kasi natin lahat ng examination. May isa pang examination pa tayong hinihintay ‘yung resulta, ‘yung histopathology examination,” ani Peralta sa nasabing panayam.

Magugunitang nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng isang kuwarto sa Floatsam Jetsom Resort sa San Juan, La Union noong Sabado at iniulat na isang kaso ito ng suicide.

Pinagdudahan ito ng pamilya Johnson dahil umano sa paiba-ibang statement ni Ongpin na nagsabing nag-suicide ang biktima sa loob ng banyo ngunit nakita ang bangkay sa ibabaw ng kama.

Pinagdudahan din ng ina ng biktima ang malalalim na sugat sa katawan at braso ni Ongpin na senyales umano na nagkaroon ng struggle o posibleng nanlaban ang kanilang anak.

Sa panayam kay Peralta ng isang TV network, inihayag nito na base sa pagsusuri ng PNP SOCO, nakuha ni Ongpin ang mga sugat sa mga pako nang pilitin niyang makapasok sa bintana ng banyo para makuha si Johnson.

Sinasabing posibleng hindi umano nakuha ni Ongpin ang mga sugat dahil nagkaroon ng struggle.

“Ang nakita natin dun ay wounds caused by nails, mga pako. Tumutugma dun sa sinasabi niyang siya ay sumuot dun sa maliit na window sa CR sa kagustuhan niyang mapasok ‘yung CR dahil nandun si Brianna,” ayon umano sa SOCO

“Na-establish na ating SOCO personnel na ‘yung mga sugat sa forearm niya, sa katawan niya ay not caused by struggle coming from Brianna,” ani Peralta na nagbase sa pahayag ng SOCO.

Magugunitang kinukuwestyun ng ina ni Brianna ang mahabang marka sa gilid ng leeg ni Jonson at maitim na marka sa gitna ng leeg.

Samantala, binabantayan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang galaw ni Julian Ongpin na isinama sa listahan ng monitored personalities noong Martes.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagsama sa listahan ng mino-monitor ay resulta ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inisyu ng Department of Justice (DOJ), na nag-utos sa BI na i-monitor si Ongpin dahil posible itong umalis sa bansa.

“We received a memorandum from the DOJ ordering his inclusion in our ILBO database,” ani Morente. “We have immediately implemented said order upon receipt,” dagdag niya.

Matatandaan na si Ongpin ay nalagay sa headlines matapos ang imbestigasyon ng pagkamatay ng painter na si Bree Johnson sa San Juan, La Union.

“All immigration officers nationwide in both airports and seaports have been instructed to closely monitor his travel and to prudently verify if he has an existing warrant of arrest, if encountered,” pahayag pa ng opisyal. (JESSE KABEL/JOEL O. AMONGO)

170

Related posts

Leave a Comment