PNP-SAF PATAY, 2 SUGATAN SA LANAO

LANAO del Norte – Patay ang isang kagawad ng Philippine National Police-Special Action Force habang dalawang iba pa ang nasugatan sa isinagawang law enforcement operation laban sa isang most wanted person sa lalawigang ito, noong nakaraang linggo.

Nakiramay at nagpahayag ng kanyang kalungkutan si PNP chief, Lt. General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagkamatay ni P/Corporal Jan Oliver Rodriguez, miyembro ng PNP elite Special Action Force sa sagupaan sa Nunungan, Lanao del Norte.

“Losing a policeman like Police Corporal Rodriguez is truly a great loss to our organization,” ani Eleazar sa ipinarating na pakikiramay sa pamilya nito.

Ayon sa ulat na natanggap ni Lt. Gen. Eleazar, na inilabas ng PNP-SAF, nagsagawa ng joint operation ang 12th Special Action Company (12SAC) bilang main tactical support elements, kasama ang ilang PNP units para isilbi ang warrant of arrest laban sa isang Naen Ampatuan Tumog sa Barangay Rebucon, Nunungan, Lanao del Norte.

Sinasabing si Tumog ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013, at itinuturing na armed and dangerous.

Ngunit bago pa man makalapit ang mga pulis, pinaulanan na sila ng bala ng suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Umabot ng ilang minuto ang sagupaan na ikinamatay ni Pat. Rodriguez habang dalawa ang sugatan na kinilalang sina P/Cpl. Michael Aidan Troy Abella at Pat. Cris Daryl Dolo. (JESSE KABEL)

204

Related posts

Leave a Comment