PNP TITIYAKIN KALIGTASAN NG MGA TAUHAN SA DISASTER RESPONSE

INATASAN ni PNP chief, PGen. Melencio Nartatez Jr., ang lahat ng police commander na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga tauhan.

Kinakailangan na ibigay ang kanilang suporta sa panahon ng deployment para sa mga disaster response dahil sa epekto ng malalakas na pag-ulan nitong nakaraang mga araw.

Kanya ring iniutos sa mga lokal na hepe ng pulisya at sa mga pinuno ng yunit na tiyaking maayos, protektahan at bigyan ng sapat na kagamitan ang mga tauhan na naka-deploy sa field operations, alinsunod sa umiiral na kondisyon ng panahon.

Ang nasabing direktiba ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa paggabay ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na pangalagaan kapwa ang mga komunidad at mga government responder sa panahon ng mga kalamidad.

Nasa 600 police officers ang naka-deploy upang tumulong sa mga residenteng naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha. Patuloy rin ang mga pulis sa pagtulong sa mga commuter na na-stranded sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga lugar na binaha.

Iniutos din ng PNP chief ang pagbibigay ng tulong sa mga tauhan na naapektuhan ng malawakang pagbaha ang kanilang pamilya.

Sinabi rin ni PGen. Nartatez na susuriin ng pamunuan ng PNP ang mga police station na maaaring napinsala ng masamang panahon.

(TOTO NABAJA)

85

Related posts

Leave a Comment