NASASAKTAN si Pokwang kapag pinagsasabihang palamunin niya lang ang asawa at dito siya mas nagiging emosyonal.
Ilang araw pagkatapos pumutok ang istorya na hiwalay na sa American husband, binasag na rin ng aktres ang pananahimik para kumpirmahin ang matagal nang tsismis tungkol sa kanyang buhay-may asawa.
Emosyunal na ibinahagi ni Pokwang kung bakit matagal niyang itinago sa publiko ang hiwalayan nila ng longtime partner at American actor na si Lee O’Brian. Halos walong buwan na mula nang maghiwalay ang dalawa ngunit nitong nakaraang linggo lamang ito nalantad sa publiko.
“Kasi ako ‘yung taong ano, lahat tinitiis ko, hanggat kaya ko, ako lang.
Hangga’t kaya kong itago sa mga anak ko, hangga’t kaya kong huwag iiyak sa harapan nila,” pahayag ni Pokwang sa isang interbyu sa kanya ng panghapong news program noong Martes ng gabi, July 12, 2022.
Si Pokwang ay may dalawang anak: si Mae sa una nitong nakarelasyon, at si Malia na anak nila ni Lee.
Dagdag niya, “Lahat ng burden, gusto ko ako lang, parang nahihiya akong mandamay sa pamilya ko.
Which is naisip ko ngayon na kaya nga pamilya dapat damayan.
” Masakit daw para sa komedyana ang mga nababasa niya sa social media na kung anu-anong klaseng espekulasyon tungkol sa kanilang hiwalayan ni Lee. Ilan nga sa mga ito ay ang usapin tungkol sa pera at ang pagiging “palamunin” umano ni Lee sa kanilang tahanan.
Pagtatanggol niyang umiiyak, “Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang. “Di rin pera kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ho, walang ganun.
“Siguro naano lang kami, ano ba tawag dun? Napagod.
“Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan n’yo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.
Bahagi ng post ni Pokwang sa Instagram, “Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia, “Natapos man ito sa ‘di inaasahang panahon hindi rito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sa ‘kin ay binigay ng Panginoon” At saka siya nagpasalamat sa yumaong inang si Gloria dahil ito raw ang nagsilbing inspirasyon sa kanya sa kabila ng mga pinagdadaanan niya.
172