(NI BETH JULIAN)
NASA kamay ng mga botante ang pagpapatuloy ng pagtigil na ng sistema ng political dynasty.
Ito ang paniniwala ng Malacanang sa gitna ng pagkagiba ng mga kilalang angkan ng mga politiko sa nagdaang eleksyon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magkakaiba ang paniniwala ng mga Filipino sa political dynasty.
Aniya, iba ang dynamics sa local elections dahil ang mga residente o constituents ang mas nakaaalam kung ano at sinong opisyal ang makabubuti para sa kanila.
Ayon kay Panelo, kung maayos naman ang pamumuno ng angkan ng politiko sa kanilang termino ay walang balakid at tiyak na ibabalik sila sa puwesto ng taumbayan.
Pero kung hindi naman maganda ang performance o ipinakitang serbisyo ng isang angkan ng politiko ay aayawan sila mismo ng kanilang residente at tiyak na hindi na iboboto pa.
Kaugnay nito, ipinauubaya na rin ng Palasyo sa susunod na Kongreso kung magsusulong ito ng mga hakbang o panukalang batas laban sa political dynasty.
126