EX-DAR CHIEF LUMUSTAY NG P184-K; PINAGMULTA NG P6-K

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS umamin sa kanyang pagkakamali, pinagmumulta ng P6,000 ng Sandiganbayan ang isang dating Regional director ng Department of Agrarian Reform(DAR) na una nang ginamit ang P184,904 public funds para sa kanyang personal na interes.

Guilty sa isang bilang ng paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code si dating DAR Region 13 chief Yusoph Mama.

Nag-ugat ang kaso sa liquidation report na isinumite ng Commission on Audit(COA) kung saan mula noong September 30, 2011 ay hindi pa nai-liquidate ni Mama ang natanggap nitong pondo kung saan siya ang may kontrol bilang Regional Director ng DAR sa Agusan del Norte.

Pumasok si Mama sa isang plea bargain na inaprubahan naman ng Sandiganbayan kung saan inamin ni Mama ang kanyang kasalanan at binayaran ang nasabing halaga.

“The accused and his counsel informed the Court that the accused fully understood the nature and consequences of his entering a plea of guilty to said crime. Having pleaded guilty to the lesser charge in the information, the accused is deemed to have admitted all the material facts alleged therein,”ayon sa Sandiganbayan.

Dahil hinatulang guilty sa kaso ay bukod sa multa ay hindi na rin papayagan si Mama na makapagtrabaho sa gobyerno.

Nabatid na una na ring nakasuhan si Mama ng malversation of public funds dahil naman sa illegal na paggamit ng pondo na kanyang natanggap sa pagitan ng Agosto 1997 hanggang Pebrero 1999.

 

142

Related posts

Leave a Comment