INIULAT ng Malakanyang na ang P5,000 cash assistance kada displaced family dahil sa bagyong Odette ay direktang ipalalabas sa local government units (LGUs) ngayon, Disyembre 29.
Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pamamahagi ng cash assistance ay magiging kahalintulad sa distribusyon ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan noong kasagsagan ng lockdowns dahil sa COVID-19.
“The aid for typhoon Odette victims will be the same setup as the SAP. The fund will be downloaded to the Local Government Units monitored by the DSWD and the DILG,” ani Nograles na ang tinutukoy ay ang Department of Social Welfare and Development at Department of the Interior and Local Government.
“DBM (Department of Budget and Management) is looking for a fund source, but they promised that by tomorrow (Miyerkoles), the funds will be downloaded to LGUs,” dagdag na pahayag ni Nograles. (CHRISTIAN DALE)
