PONDO SA PROYEKTO KINUPITAN NG OPISYAL?

NAKAKAHIYA! Isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasangkot umano sa eskandalo matapos akusahan ng paglustay ng malaking bahagi ng pondo para sa isang proyekto.

Ayon sa impormasyon, pinadaan pa raw sa isang lokal na opisyal ang halagang ₱150 milyon na nakalaan sana para sa pagtatayo ng isang gusali. Ngunit imbes na maibuhos sa proyekto, ₱100 milyon dito ang diumano’y napunta sa kampanya ng kapatid ng naturang opisyal — na kalaunan ay nanalo pa sa puwesto. Samantala, ₱50 milyon lang ang natira para sa proyekto.

Ang nakalulungkot pa rito, kilala ang pamilya ng nasabing opisyal bilang mayaman at makapangyarihan sa Mindanao, pero hindi pa rin pala ligtas sa mga alegasyon ng kickback at anomalya.

May mga bulong-bulungan pa na kaya raw malakas ang opisyal na ito ay dahil hindi lamang sa kanyang kapatid, kundi maging sa ilang politiko na tinulungan niya sa kampanya.

Kahit nakatira na sa isang marangyang village sa Metro Manila, hindi pa rin daw mapigil ang opisyal sa pagkakasangkot sa mga isyung tulad nito. Kaya’t tanong ng marami: hanggang kailan magpapatuloy ang ganitong uri ng kalakaran?

72

Related posts

Leave a Comment