Muling pinaalalahanan ni Mindanao International Container Terminal Oriental, Mindoro Port Collector John Simon ang Korean government na madaliin ang pag-reexport ng hazardous na basura na ilegal na ipinasok ng mga Koreano sa bansa kung saan lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga Filipino lalo na ang mga mamamayan ng Misamis, Oriental.
Ayon kay Collector John Simon, ang Korean Ministry ay napakabagal ng kanilang pagkilos para maibalik na sa kanilang bansa ang natitirang 500 metric tons kung saan noon pang last June nagtungo sa ating bansa ang mga opisyal ng Korea at nangakong ibabalik nila kaagad sa kanilang bansa ang mga delikadong basura, subalit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos kung saan walang linaw kung anong barko ang gagamitin para pagkakargahan ng naturang mga basura.
“It is high time to put pressure on the Korean government to fast track the process of repatriation of the Korean garbage now,” pahayag ni Simon.
Lubhang nabahala si Simon sa kalusugan ng mga mamamayan ng Misamis, Oriental dahil sa taglay na masamang epekto ng basura kung kaya’t kaagad na itong kumilos para i-pressure ang Korean government na madalian ang pag-reexport ng kanilang mga basura na ilegal na ipinasok sa ating bansa kung saan ang mga Koreanong responsable sa ilegal na basura ay kinasuhan na sa RTC ng Misamis, Oriental at binabaan ng arrest warrant. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B. BATUIGAS)
123