PORT OF DADIANGAS NAGREPORMA, TARGET COLLECTION NADOBLE

PORT OF DADIANGAS

PANIBAGONG tagumpay na naman para sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkakadoble halos ng target collection ng Port of Dadiangas noong  nakaraang Disyembre.

Sa ulat ni Dadiangas Port Collector Elenita Abaño, mayroon silang kabuang revenue collection na P337, 522, 691 hanggang Disyembre 27, 2019.

Ayon pa kay Abaño, noong 2018 ay may koleksyon na P114,566,584 ang Port of Dadiangas kung kaya ang target collection para sa 2019 sa P222,956,107 subalit nalagpasan pa ito kung kaya naitala sa 149% ang itinaas ng kanilang nakalap na buwis sa nasabing port na subport ng BOC-Davao District Office sa ilalim ng pamumuno District Collector Erastus Sandino Austria.

Suportado ng BOC head office patikular ang Office of the Commissioner at maging ng Davao ang accomplishment ni Abaño.

“The operational and physical reforms we have made since I assumed office at the Port of Dadiangas in October this year, no matter how limited, have helped in boosting our collection performance,” ani Abaño.

“But the reforms we have started at the port is a work in progress. More will definitely come,” pahayag pa nito.

Idinagdag pa ni Abaño na bagaman naging limitado ang oras para sa kanya upang isagawa ang mga reporma sa Port of Dadiangas, sinimulan niya ang pagpapatupad ng mga pagbabago upang maabot ng kanyang tanggapan ang target collection.

“We’re making the ne­cessary improvements and initiatives to do business at our port, not only efficient, but convenient as well, to both its clients and customs personnel. More importantly, this is in line with Commissioner Guerrero’s thrust to rationalize and revitalize transactions at the ports,” dagdag pa ni Abaño.  (Joel O. Amongo)

151

Related posts

Leave a Comment