NGANGA na ngayong taong 2020 ang dalawang milyong Filipino na nagkaroon ng trabaho noong panahon ng Kapaskuhan.
Ito ang nabatid kay Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson, base sa pagtatayang ginawa aniya ng Alliance of Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na kontra sa kanyang panukalang gawing 24 buwan o 2 taon ang probationary period ng mga manggagawa.
“I have been pilloried, subjected to personal attacks and heavily criticized, mostly from progressive-minded labor groups because of my bill. But look, there is now this very sad reality that after the New Year’s revelry, more or less two million workers no longer have their jobs and it’s job hunting season anew for them,” ani Singson.
Sinabi ng mambabatas na kung ang ALU-TUCP ang susundan, umaabot umano sa 1.5 million ang idinagdag sa contractual employees at 2 million naman ang seasonal workers noong panahon ng Kapaskuhan.
Gayunpaman, dahil tapos na ang Holiday season, wala na rin aniyang trabaho ang mga seasonal worker kaya muling gagastos ang mga ito para makapaghanap ng bagong trabaho.
Maiiwasan sana aniya ito kung papayagan ang kanyang panukala na gawing 2 taon ang probationary period imbes na 6 na buwan lamang tulad ng umiiral na batas sa kasalukuyan.
Gayunpaman, hindi lamang ang labor group ang tumututol sa nasabing panukala kundi ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil lalabagin nito ang karapatan ng mga manggagawa. (BERNARD TAGUINOD)
118