DAVAO CITY – Isang police detainee ang napatay sa loob ng Toril Police Station sa lungsod na ito makaraan umanong mang-agaw ng baril sa isang pulis habang isinasailalim sa booking procedure, ayon sa ulat ng pulisya nitong Biyernes.
Napag-alaman, isinasailalim sa booking procedure ang detainee na si Jemar Banilad nang bigla umano nitong agawin ang service firearm ng isang pulis na nagresulta upang sila ay mag-agawan sa baril.
Sa puntong ito, humingi ng tulong ang pulis sa kanyang mga kasama at sinikap na awatin si Banilad.
Gayunman, hindi nagpapigil ang suspek kaya napilitan ang isang pulis na barilin ito.
Isinugod si Banilad sa Davao Mediquest Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. (JESSE KABEL)
209
