PRESO SA CAVITE NASAWI SA COVID-19

CAVITE – Dinapuan ng COVID-19 ang isang 54-anyos na preso na nagresulta sa pagkamatay nito habang nasa loob ng kanyang selda sa Trese Martires City, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang namatay na si Reynaldo Sabas, nakakulong sa Trece Martires City Custodial Center dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Richard Chavez ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-8:30 noong Huwebes ng umaga nang mapansin ng isang Francisco Escuin, kasamahang preso ng biktima, na nahihirapang huminga si Sabas at nagrereklamong sumasakit ang likod.

Agad na ipinagbigay-alam ng mga preso sa duty jailer ang insidente naging dahilan upang isugod ang biktima sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ngunit idineklarang patay na.

Ayon sa pagsusuri ni Dr. Paul Nicole Silla, namatay ang biktima dahil sa acute respiratory failure secondary to pneumonia, high risk bacteriology diagnosed COVID-19. (SIGFRED ADSUARA)

224

Related posts

Leave a Comment