PRESO SA MAYNILA NILAGNAT, NAMATAY

HINIHINALANG sintomas ng COVID-19 ang naranasang lagnat ng isang 59-anyos na inmate na dinala sa Tondo Medical Center ngunit binawian ng buhay noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Arnel Cruz y Sablay, binata, jobless ng 1002 F. Yuseco St., Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 1:30 ng hapon noong Martes, Setyembre 15, nang ideklarang patay na ang biktima makaraang isinugod sa pagamutan dahil sa mataas na lagnat.

Nauna rito, noong Setyembre 12, bandang alas-6:45 ng gabi nang makaranas ng matinding lagnat at nahirapang huminga ang biktima.

Agad namang dinala ang biktima sa pagamutan ngunit dakong 1:30 ng hapon noong Martes ay binawian ito ng buhay.

Noong Agosto 19 nang arestuhin ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit ng MPD Jose Abad Santos Police Station, ang biktima dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

109

Related posts

Leave a Comment