LUMUBO na sa 6,200 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela at 171 na sa mga ito ang ang namatay, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Sa ulat ng ng Valenzuela CESU dakong alas-11:00 ng gabi noong Setyembre 15, nakasaad na 1,115 ang active COVID cases at 4,914 na ang gumaling.
Samantala, isang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay San Agustin, Malabon City noong Setyembre 15, ang ika-171 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa nasabing sakit.
Ayon sa Malabon City Health Department, 35 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod at sa kabuuan ay 4,611 na ang confirmed cases sa Malabon, 536 dito ang active cases.
Ang mga bagong tinamaan ng COVID ay mula sa Barangay Bayan-bayanan (1), Catmon (3), Hulong Duhat (1), Longos (7), Maysilo (2), Muzon (2), Niugan (2), Potrero (9), San Agustin (3), Tañong (1), Tinajeros (1), Tonsuya (1), at Tugatog (1).
Isa naman ang nadagdag sa mga pasyenteng naka-confine sa Malabon ngunit hindi residente.
Nadagdagan naman ng 23 ang bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Dampalit (3), Flores (2), Muzon (1), Niugan (1), Potrero (4), Tañong (2), at Tinajeros (10) at sa kabuuan ay 3,904 na ang gumaling sa COVID-19 sa lungsod.
Sa lungsod naman ng Navotas ay 11 gumaling at anim ang bagong nagpositibo sa nasabing sakit.
May kabuuang 4,695 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas. Sa bilang na ito, 4,227 na ang gumaling, 336 ang active cases at 132 ang namatay. (ALAIN AJERO)
72