PRIMERA DOSE 12 BAGUHANG KONGRESITA MAGBIGAY-BUHAY SA KAMARA

Inaasahan na ang labindalawang (12) mga bagong halal na kongresista mula sa iba’t ibang distrito ng bansa ang magbibigay-buhay sa 19th Congress ng House of Repre­sentatives.

Ang labing-dalawang kongresista ay pinangungunahan ng panganay na anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”

Marcos, Jr., na pinakabatang mamba­batas mula sa 1st District ng Ilocos Norte na si Cong. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.

Sa edad na 27-anyos, isa si Marcos sa bagong halal o neophyte congressmen na magsisilbi sa 19th Congress ng House of Representatives.

Bagama’t pinakabata si Marcos ay isa siyang napiling senior deputy majority leader ng 19th Congress ng House of Representatives.

Si Marcos, ay pangalawa sa may pinaka­maraming naihain na panukalang batas na may 20 Principal Authored Bills para sa First Regular Session ng House of Representatives, bukod sa
Co-Authored Bills.

Nakapagtala ng may pinakamaraming Principal Authored Bills na may 35 ay si Cong. Mikaela Angela Suansing, 1st District ng Nueva Ecija hindi pa kasama ang Co-Authored Bills.

Sinundan nina Cong. Ralf Wendel Tulfo, kinatawan ng 2nd District ng Quezon City na may 15 Principal Authored Bills at Cong. Jeyzel Victoria Yu, 2nd District ng Zamboanga del Sur na may 14 Principal Authored Bills; at Juan Carlos “Arjo” Atayde, 1st District, Quezon City na may 12 Principal Authored Bills, bukod pa sa kani-kanilang Co-Authored Bills.

Nakapagtala rin ng 6 Principal Authored Bills sina Congressman Dean Asistio, 3rd District, Caloocan City; Cong. Midy Cua, Lone District, Quirino, na may 3 Principal Authored Bills; Cong. Lordan Suan, 1st District, Cagayan de Oro City, na may 2 Principal Authored Bills; Cong. Eric Buhain, 1st District, Batangas, na may 6 Principal Authored Bills; at Cong. Ernesto “Ernix” Dionisio, Jr., 1st District, Manila, na may 2 Principal Authored Bills.

Hindi pa Principal Authored Bills sina Cong. Antonieta “Ate Tata” Eudela, 2nd District, Zamboanga Sibugay, at Cong. Samuel Verzosa, Jr., ng Tutok to Win Party-list ay inaasahan na malaki ang maiaambag nila sa paggawa ng mga panukalang batas ng kanilang mga kasamahang kongresista sa First Regular Session ng 19th Congress ng House of Representatives para sa kanilang constituents.

Bagamat nasa first termer pa lang ang mga kongresista ay itinuturing din silang millenials dahil pawang mga kabataan pa sila na ang karamihan sa kanila ay nasa 53-anyos ang
kani-kanilang mga edad pababa.

Bago pa man sila mahalal bilang mga kongresista na nagmula sa iba’t ibang distrito sa buong bansa ay naging mga bihasa na sila sa kani-kanilang mga propesyon na kanilang pinagmulang karera.
Magkakaiba man ang distrito na ka­nilang pinagmulan, ito ang magbubuklod sa kanila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para makabuo ng mga magagandang batas na makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Sila rin ang inaasahan na magiging katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para makabuo ng mga batas na magiging daan para makaahon ang bansa mula sa kahirapan na dulot ng dalawang taon na pananalasa ng COVID-19 at mga kalamidad na tumama rito.

Ang labing-dalawang Kongresista ring ito ang dating mga tinaguriang pag-asa ng bayan o future leaders na ngayon ay bahagi na ng iba pang mga mambabatas sa 19th Congress ng House of Representatives sa paglimbag ng mga batas para sa ikabubuti ng Inang Bayan.(JOEL AMONGO & RR)

641

Related posts

Leave a Comment