BULAKAN, Bulacan–Gugunitain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong Martes, (Agosto 30) ang 172nd Birth Anniversary ni Gat Marcelo H. Del Pilar.
Idineklara ang araw na ito bilang non-working holiday sa probinsiya at kasabay na ipagdiriwang ang kauna-unahang National Press Freedom Day.
Dahil sa patuloy na pag-iral ng COVID-19 pandemic na nagsimula pa noong 2020, ang taunang selebrasyon ng Marcelo Day na mayroong civic parade and program sa dambana ni Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas na dinadaluhan ng mahigit 1,000 multi-sectoral groups ay kanselado pa rin.
Ayon kay Katrina Ann Bernardo-Balingit, head of the Provincial Public Affairs Office, naglabas si Gov. Daniel Fernando ng Executive Order No. 258 na nagdedeklarang non-working holiday sa buong probinsya sa ilalim ng Republic Act 7449, An Act Declaring every Aug. 30 Marcelo H. Del Pilar Day as a Non-Working Holiday for Bulacan na naipasa noong April 27, 1992.
Pangungunahan ni Fernando ang naturang okasyon kasama sina Vice Gov. Alexis Castro, Bulakan Mayor Vergel Meneses at ibang opisyales sa pamamagitan ng simpleng wreath-laying ceremony sa dambana ni Del Pilar.
Magsasagawa rin ng pag-aalay ng bulaklak ang mga national at local journalist kung saan ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa pamumuno ni President Lydia Buena ay kakatawanin ni Carmela Reyes-Estrope, president ng Central Luzon Media Association (CLMA) kasama ang Bulacan Press Club sa pamumuno ni Omar Padilla.
Noong 1985, kasama ang National Press Club at Bulacan Press Club ng national at provincial government officials sa pagkuha sa mga labi ni Del Pilar sa hometown nito sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas.
Si Del Pilar ay tinaguriang “the great propagandist” at kinilala rin bilang Father of Philippine Journalism.
Ang buong bansa ay ipagdiriwang din ang kauna-unahang National Press Freedom Day matapos aprubahan at lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang RA 116991 na nagdedeklara taun-taon sa Marcelo Del Pilar Day bilang National Press Freedom Day.
Kasabay ng pagdiriwang ng Marcelo Day, pangungunahan ni Reyes-Estrope ang CLMA sa pagsasagawa ng tree planting sa Gen. Gregorio Del Pilar Integrated School sa nasabi ring bayan. (ELOISA SILVERIO)
