(NI JAY-CZAR LA TORRE)
BATAAN – Umabot sa 120 manggagawang Chinese national ang tinamaan ng sakit na dengue sa Bayan ng Mariveles, ayon kay Dr. Godofredo Galicia, Jr. miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Base sa datos ng Bataan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, sa 400 kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa buong lalawigan, 120 ay nagmula sa GN Power Coal Plant kung saan nagtatrabaho ang mga banyagang manggagawa.
Sinabi rin ni Dr. Galicia na lumalabas sa pag-iimbestiga ng mga kawani ng panlalawigang kalusugan, kakulanganan sa kalinisan ang pangunahing sanhi ng pagakakasakit ng mga manggagawa.
Agad namang iniutos ng Bise Gobernador ng Bataan na si Ma. Cristina Garcia na tukuyin ang kabuuang bilang ng mga may dengue sa lalawigan bagamat kumpara sa istadistika ng nakaraang taon ay bumaba ng 30
porsiyento ang bilang ng kaso ng dengue sa naturang lalawigan.
158