2 ONLINE SELLERS DEDO SA KALSADA

NUEVA ECIJA – Hindi umabot nang buhay sa kanilang mga customer ang dalawang online seller nang mahagip ng rumaragasang kotse at masalpok pa ng kasalubong na truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Caanawan, San Jose City sa lalawigang ito.

Lumilitaw sa imbestigasyon, lulan ng tricycle ang mga biktimang sina Abegail Paragas at Gladys Enopia nang mabangga sila ng isang truck at kotse.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, magde-deliver ng panindang gatas ang mga biktima nang masangkot sa karambola ng mga sasakyan. (JESSE KABEL)

85

Related posts

Leave a Comment