2 REBELDE SUMUKO SA ISABELA PNP

ISABELA – Sumuko sa pulisya ang dalawang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), Milisyang Bayan sa San Mariano sa lalawigang ito, noong Sabado.

Sa natanggap na email ng SAKSI NGAYON, mula sa Police Regional Office 2, napag-alaman, dakong alas-10 ng umaga sumuko sa 4th Manuever Platoon, 1st IPMFC sa Brgy. Malabbo, San Mariano, Isabela, Intel operatives ng 1st IPMFC, 2nd IPMFC, San Mariano PS, at 95IB, ang isang rebelde na residente ng Sitio Kurawatin, Brgy. Binatug, San Mariano, Isabela.

Ang nasabing rebelde ay isinailalim sa AFP Community Support Program (CSP) na nakabase sa Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela.

Samantala, pinangasiwaan naman ng joint intelligence operatives ng JITG “Manangbalbaliw” sa ilalim ng pamumuno ni 502nd INF BDE 1Lt. Prime Angel Lou Abuan, Intel Platoon leader, 86IB, 95IB, 52nd MICO, P/Maj. Dennis Pamor, PIU, IPPO, P/Cpt. Merving delos Santos, COP, Jones PS, 3rd Platoon, 2nd IPMFC, 205th MC 2RMFB, ang pagsuko ng isa pang 33-anyos na rebeldeng residente ng Purok 7, Sitio Dibilisawan, Brgy. Sta. Isabel, Jones, Isabela. (JOEL. O AMONGO)

69

Related posts

Leave a Comment