3,000 RESIDENTE APEKTADO NA SA BATANES QUAKE

batanes44

(NI JG TUMBADO)

HALOS pumalo sa tatlong libong indibidwal o nasa 911 pamilya ang apektado ng magkakasunod na paglindol sa lalawigan ng Batanes nitong araw ng Sabado.

Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 2,963 katao ang labis na naapektuhan dahil sa serye ng pagyanig bunsod sa naranasang lindol partikular sa bayan ng Itbayat, Batanes kung saan nasa walo ang nasawi at ikinasugat pa ng nasa 60.

Patuloy pa rin ang manu-manong maghuhukay sa mga guho sa posibilidad na may makuha pang may buhay na kahit na inaabot na ng dilim ay wala pa ring puknat sa pagtatrabaho ang mga volunteers at mga tauhan ng ahensiya ng gobyerno.

Ang mga apektadong pamilya ay mula sa limang barangay sa Itbayat at kasalukuyang nananatili sa inilitag na mga evacuation sites sa plaza at public market sa Barangay San Rafael.

Nasa 15 bahay, dalawang eskwelahan at dalawang makasaysayang simbahan ang nasira dahil sa lindol.

Patuloy naman ang pagdating ng mga relief goods para sa mga apektadong residente subalit mas maraming tent ang kinakailangan ngayon dahil kinukulang na ang mga ito dahil na rin sa laki ng bilang ng mga inililikas roon.

Nagtulung-tulong na rin ang mga rescuers mula sa ibat ibang ahensya na lumipad patungong Itbayat para sa rescue efforts sa lugar.

 

 

223

Related posts

Leave a Comment