4 PATAY, 8 SUGATAN SA 6.5 LINDOL SA COTABATO

(NI JG TUMBADO)

APAT katao ang nasawi nasawi kabilang ang isang barangay chair sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, nang yanigin ng panibagong lindol ang Cotabato kaninang umaga.

Nakilala ang nasawing kapitan na si Cesar Bangot ng Barangay Batasan.

Sa nakarating na report sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), gumuho ang Barangay gym sa kasagsagan ng 6.5 magnitude earthquake sa bayan ng Tulunan pasado alas 9 ng umaga at nadaganan si Bangot ng bumagsak na debris ng gusali.

Tatlo pang indibidwal ang nasawi sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Tulunan, Davao City at Kidapawan City na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga Ito.

Walo naman ang iniulat na nasugatan na dinala sa ibat ibang ospital kung saan nakilala ang iba sa kanila at ito ay sina Catley Ubas, 27, Naser Enog, 27, Baswil Ledya, 60, at ang Korean national na si Park Jung O, 61.

Maraming kalsada rin sa Makilala ang nakitaan ng malalaking bitak matapos ang panibagong malakas na pagyanig.

Kabilang sa ilang mga gusali na gumuho sa panibagong lindol ay ang Ecoland 4000 condominium sa Davao City at ang Eva hotel sa Kidapawan City.

Habang sa Digos City naman sa Davao del Sur ay gumuho din ang gusali ng Triple F store kung saan nasa mahigit 30 empleyado nito ang nasaktan sa bumagsak na mga debris.

326

Related posts

Leave a Comment