(NI JESSE KABEL)
ILANG high powered firearms at mga granada ang tumambad sa mga awtoridad nang salakayin ang bahay ng mag amang pulitiko sa lalawigan ng Masbate Miyerkoles ng umaga.
Sa bisa ng bitbit na search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 5 ang mga bahay ng mag-amang mayor at vice mayor sa Batuan, Masbate.
Sa ipinarating na ulat sa punong himpilan ng PNP sa Camp Crame, ni-raid ng PNP-CIDG ang bahay nina Batuan Mayor Charmax Jan Yuson at kanyang amang Vice Mayor na si Charlie Yuson III.
Target ng mga pulis ang umano’y mga hindi dokumentadong matataas na kalibre ng baril na nasa pag-iingat ng mag ama.
Bukod ditto, may sumbong ding natangap ang mga pulis na nagmamantina ng private armed group ang mag-ama kaya’t nagi-ingat ng mga hindi lisensiyado at matataas na kalibre ng baril.
Kabilang sa nakumpiskang sandata mula sa dalawang bahay ang isang Bushmaster M16 rifle, baby armalite, tatlong kalibre .38 pistol, isang hand grenade at isang fragmentation grenade.
Pakay ngayon ng manhunt operation ang mag amang Yuson, na nagkataon na wala umano sa bahay ng isinagawa ang raid.
Nahaharap ngayon ang mag-ama sa kasong illegal possession of firearms and explosives dahil sa mga nakuhang baril at granada.
Nabatid na kung mapapatunayan na kanila ang mga pampasabog ay walang piyansang inererekonmenda patungkol sa explosives.
153