BANGKAY NG GINANG NATAGPUANG PALUTANG LUTANG

ALBAY – PALUTANG-LUTANG na natagpuan ang bangkay ng isang ginang matapos umanong mahulog ito sa tumaob na bangka na kanilang sinasakyan kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard, ang biktimang si Mylene Rondina ng Brgy. Maramba ay  nawawala pa noong nakaraang linggo matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang bangka kasama ang kanyang asawa at tatlo nilang mga anak sa karagatang sakop ng Libon.

Sa kabutihang palad ay nagawa mailigtas noon ng mga mangingisda sa lugar ang mister at ang tatlong bata habang ang biktima ay nawawala.

Hanggang sa nitong nakaraan araw lamang nakitang lumulutang ang bangkay ng ginang.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

6

Related posts

Leave a Comment