(NI JESSE KABEL)
KASAMA ang mga tauhan ng Philippine National Police winasak, winasak Biyernes ng tanghali ng military ang nadiskubreng gun factory ng ISIS influenced Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Maguindnao.
Ayon kay Lt Col Harold M Cabunoc, pinuno ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion, kasama nila ang mga tauhan ng PNP Criminal Investgation and Detection Group sinalakay nila ang natunton na BIFF gun factory sa Brgy Poblacion, Buluan, sa Maguindanao.
Armado ng matas na kalibre ng baril, isinilbi ng Army at PNP-CIDG-ARMM at PNP-SAF ang warrant laban kay Abusama Abpun, 60 anyos na illegal firearms manufacturer.
Kabilang sa mga nasamam na mga baril ang tatlong M4 Carbine Rifles, isang M1 Carbine, anim na 9mm Tomgram, isang 12 gauge shotgun, tripod para sa Cal. 50 Heavy Machinegun, at mga unassembled firearms.
Ayon kay P/Sr.Supt James Gulmatico, CIDG regional head, si Abpun ay supplier din ng baril ng mga criminal elements bukod sa teroristang BIFF.
“Our informant showed us videos of the suspect while repairing a gun owned by a BIFF member who personally brought the defective weapon,” ani Gulmatico
Pahayag naman ni Lt Col Cabunoc, “We have removed another logistics support source of the BIFF and other lawless elements. We will defeat them by cutting-off the sources of their weapons.”
204