105 DAYS MATERNITY LEAVE NAKABITIN SA PALASYO

buntis15

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGANIB na mauwi sa wala ang 105 days maternity leave na pinaghirapang ipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil sa maling bulong umano na natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang ito.

Ito ang pinangangambahan ng grupong Gabriela matapos ilutang umano ni Duterte na posibleng i-veto nito ang nasabing panukala dahil lolobo umano ng P6.4 billion ang gagastusin ng Social Security System (SSS) sa mga manganganak na bibigyan ng ayuda.

“The expanded maternity leave bill has gone through exhaustive deliberations with all agencies and stakeholders involved, including SSS. Bakit biglang ikokonsidera ng Pangulo ang ilang bulong at panukala na kontra sa hiling ng mga kababaihang manggagawa? He should sign it now,” ani Gabriela party-list Rep Emmi De Jesus.

Sa ilalim ng nasabing panukala, itataas na sa 105 days ang maternity leave ng mga kababaihan sa kanilang trabaho mula sa kasalukuyang 60 days upang maalagaan ng mga ito ang kanilang bagong silang na anak.

Babayaran ng pinagtatrabuhang kumpanya o maging sa mga government agencies ang 105 araw na hindi nila ipinasok at madadagan din ang kanilang matatanggap na benepisyo sa SSS.

“Hindi pwedeng gamitin ang kapalpakalan ng SSS na mangolekta ng contributions sa employers para hindi isabatas ang expanded maternity leave. Instead of floating the cost, why not find ways to the plug the leaks at SSS by improving collection rate and dispose costly idle assets? Bakit kailangang pagkaitan ang mga buntis dahil sa koleksyong mintis?” ayon pa kay De Jesus.

Ayon naman kay Rep. Arlene Brosas, ang mga mahihirap na kababaihang manggagawa ang maaapektuhan kapag tuluyang i-vineto ni Duterte ang nasabing panukala.

Inaasahan umano ito ng mga kababaihan na karamihan ay mga minimum wage earners para maalagaan ng maayos ang kanilang mga anak kaya hindi makatarungan na biguin ang mga ito.

“If President Duterte vetoes the bill, he should expect a loud outrage by mothers who have long demanded the passage of the expanded maternity leave,” ani Brosas na inilarawang eksaherado umano ang P6.4 billion na dagdag na gastos ng SSS gayung 10% lamang umano ang sinasagot nito sa gastos sa panganganak ng mga SSS members.

5

Related posts

Leave a Comment