GURO INARESTO SA MANILA CITY JAIL SA ESTAFA CASE

MULING inaresto ng mga operatiba ng Station Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, ang isang 39-anyos na guro, dahil sa kasong estafa, sa loob ng Manila City Jail Female Dormitory sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng hapon.

Itinago ang suspek sa pangalang “Susan”, residente ng Bacoor City, Cavite.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, bandang alas-3:30 ng hapon nang makipagkoordina ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Billy Ray Canagan, sa tanggapan ng MCJ upang ihain ang warrant of arrest sa nasabing suspek.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Jennifer Escorpezo – Bayaua , ng Metropolitan Trial Court, Branch 13 ng Manila, na may petsang Oktubre 26, 2020, inaresto ang suspek sa kasong estafa o paglabag sa Article 315 Paragraph 2 (a) ng Revised Penal Code.

Gayunman, iniutos ng korte na maglagak ng piyansang P180,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)

158

Related posts

Leave a Comment