Hindi lang sa public transport at worksites NO FACE SHIELD, NO ENTRY RIN SA MALLS, GROCERIES

INANUNSYO ng Malakanyang na mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield sa mga nakasaradong commercial establishments gaya ng malls.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang napagkasunduan sa pulong kahapon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments, gaya po ng mga malls,” ayon kay Sec. Roque.

Agosto 15 sinimulang ipatupad ang pagsusuot ng face shield sa pagsakay sa pampublikong transportasyon at ni-require ng DTI sa workplaces makaraang isama sa panibagong guidelines ng
IATF.

Sa harap nito’y mayroon na rin umanong mga establisimyento ang nagpatupad na ng ganitong polisiya gaya ng ilang banko at mall na hindi na nagpapapasok ng mga walang face shield.

Nauna rito, lumutang ang posibilidad na gawin na ring mandatory ang pagsusuot ng face shield sa kahit saang pampublikong lugar.

Ayon kay Sec. Roque, nabuksan na ang usapin sa IATF at ngayo’y tinatalakay na ito kasunod ng implementasyon ng no face shield, no ride policy sa mga pampublikong transportasyon gayundin sa
mga area ng trabaho. (CHRISTIAN  DALE)

114

Related posts

Leave a Comment