PINAWI ng isang ahensya ng gobyerno ang labis na pangamba ng mga residente sa Taal Island sa Batangas dahil sa ibinabalang hindi ligtas kainin ang mga isda roon kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong January 12, 2020.
Pero sa ipinalabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ligtas kainin ang mga isda mula sa lawa ng Taal.
Ayon sa BFAR, nagsagawa sila ng laboratory analyses sa tubig at fish samples sa Taal Lake at lumitaw na ligtas kainin ang mga ito.
Subalit kailangan muna umanong matiyak na malilinis nang mabuti at maluluto nang tama ang mga isda bago kainin.
Una rito ay nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na huwag bumili at kumain ng isda galing Taal Lake.
Ayon sa DOH, maari itong magdulot ng pagsusuka, diarrhea at pananakit ng tiyan.
May mga isda pa ring nahuhuli sa Taal Lake.
Ang iba namang isda ay mula sa mga nasalantalang fish cage nang pumutok ang naturang bulkan. JG TUMBADO
219