HINDI tumugma sa mga nasawi ang dalawang pares ng wasak na paa na nakuha sa pinasabog na Jolo cathedral nong nakaraang buwan, ayon sa inilabas na ulat.
Dahil dito, malakas ang posibilidad na ang pares ng mga paa ay sinasabing galing sa suicide bombers na nagsagawa ng kambal na pagsabog noong Enero 21 kung saan 23 iba pa ang namatay at marami ang sugatan.
Sinabi pa na walang nawalan ng mga paa sa mga biktima ng pagsabog.
Ang mga putol na paa ay galing umano sa lalaki at babae base sa resulta ng DNA na isinagawa sa Maynila. Nakikipagkoordinasyon na rin ang bansa sa Interpol upang malaman kung sino ang may-ari ng mga paa o kung anong lahi ang mga ito. Nabubulok na umano ang mga paa at kumuha na lamang ng bone specimen para sa karagdagang pagsusuri.
Nag-match naman ang 23 nasawi sa specimen na galing sa mga kaanak ng mga ito.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga suicide bombers ang responsible sa Jolo bombing. Babae’t lalaki umano ang dalawa ngunit hindi pa batil ang nationality ng mga ito. Hindi naman ito isinaisantabi ng pulisya ngunit iginiit na ang Abu Sayyaf group na Ajang-Ajang ang responsible sa pagsabog.
198