LOCSIN NAPIKON; PAPATAY SA HIHINGI NG BIRTH CERT

teddyboy

NAPIKON si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at nagbantang papatayin ang sinumang hihingi ng birth certificate bilang requirement sa pagre-renew ng passport.

Martes ng umaga ay may nagtanong sa kanyang twitter account kung kailangan pa rin ng birth certificate sa renewal ng passport.

“Sir @teddyboylocsin kailangan pa rin po ba ng birth certificate pag nag parenew ng passport? Salamat po,” ayon sa tweet ng netizen.

“Hindi. Putangina. Not for passport renewal. If anyone asks you, tell me who and I will fucking kill him/her,” sagot ni Locsin.

Tinanggal ni Locsin ang birth certificate requirement para sa passport renewal sa pamamagitan ng Department Order (DO) 03-2019 na inisyu nito noong nakaraang buwan.
Gayunman, hindi umano kasama sa kautusan ang mga: unang passport application, renewal applications para sa nawala o nasirang passport, renewal sa mga may ipababago sa passport, renewal ng old brown at green passport na walang kumpletong middle name at mga aplikanteng nasa ilalim ng DFA watchlist.

73

Related posts

Leave a Comment