(NI JESSE KABEL)
NAGSAGAWA ng intelligence driven surgical operation ang Philippine Army gamit ang dalawang fighter plane ng Philippine Air Force sa natunton na kuta ng Daesh inspired Bangsamoro Islamic Freeddom Fighters sa Maguindnao, sa ulat ng militar Linggo ng umaga.
Ayon kay Philippine Army 6th Division spokesperson Major Arvin Encinas, naglunsad ang militar ng air strikes laban sa pro-Islamic State (IS) rebels kaugnay sa direktibang pagdurog sa mga militante na nag-ooperate sa nasasakupang lalawigan.
Nabataid na nagsagwa surgical air, artillery and ground operation ang Joint task Force Central( JTFC) sa mga natukoy at kumpirmadong target na pinagkukutaan ng DAESH inspired terrorist group sa ilalim ng pamumuno ni Salahudin Hassan
Inihayag ni Maj Encina na “Joint Task Force Central (JTFC) has intensified the focused military operations at terrorists identified lair in So. Tatak, Bargy Tugal, Sultan Sa Barongis, Maguindanao .
Sa impormasyong ibinahagi ni Encinas sa ,media dalawang OV-10 planes ang nagbagsak ng walong 250-pounds na mga bomba sa posisyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Sa Barongis.
Bukod dito inihayag din ng mga residente sa kalapit na bayan ng Pigcauayan sa North Cotabato na may nakita silang dalawang FA-50 jets na nagbagsak ng mga bomba sa Liguasan Marsh.
Ayon kay Encinas, nagsimula ang air strikes alas 5:00 Sabado ng umaga matapos na positibong matukoy ng ground troops ang lokasyon ng mga bandido.
Nasapol sa inilunsad na air strikes ang kuta ng mga rebelde na itinuro mismo ng mga sumukong BIFF.
Samantala, sinabi ni ground military commander Major General Cirilito Sobejana na inilagay sa full alert ang tropa ng gobyerno sa rehiyon kasunod ng intelligence report na 40 dayuhang jihadists ang nakapasok sa ilang bahagi ng Mindanao.
Nilinaw ni Joint Task Force Central Commander Major General Cirilito E. Sobejana na isina-alangalang nila ang kaligtasan ng mga residenteng malapit sa military operation; “Appropriate coordination was also made with MILF CCCH and the targeted areas were confined to locations far from the local communities.”
Sinasbing ang IS-linked BIFF anya ang nag-ooperate sa rehiyon at sila ang nasa likod ng serye ng pagbobomba sa probinsya, subalit tiwala si Sobejana na manu-neutralize nila ang mga teroristang grupo.
144