(NI DAHLIA S. ANIN)
UMAABOT na sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol region dahil sa Bagyong ‘Ramon’.
Sa pagtatala ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 3, 406 pasahero stranded sa Albay, (Tabaco Port-325, Pio Duran Port-153), Camarines Sur (Pasacao Port-30), Catanduanes (Virac Port-6, San Andres Port-1), Sorsogon (Bulan Port-16, Matnog Port-1237, Pilar Port-68), Northern Samar at Western Samar (Dapdap Port-143, Port of Balwarteco-704, Port of San Isidro-77, Port of Sta. Clara-646).
Suspendido rin ang operasyon ng mga rolling cargo vessels at motorbanca dahil sa sama ng panahon.
Mahigpit na ipinatutupad ng Philippine Coast Guard ang mga hakbangin na kailangan upang masigurong ligtas ang mga pasaherong maglalayag sa karagatan.
176