MAYOR, VM NAGBITIW SA PUWESTO

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI pa rin paawat sa politika ang angkan ng sinasabing utak sa Maguindanao massacre, matapos manumpa bilang alkalde ng Datu Unsay ang anak ni Datu Andal Ampatuan Jr., na si Datu Andal ‘Datu Aguak’ S. Ampatuan V.

Pormal na nanumpa kay Senator Nancy Binay si Datu Aguak matapos bumaba sa pwesto sina Maguindanao Mayor Fuentes Dukay at Vice Mayor Wanay Salibo .

Ayon naman kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, wala pa siyang ideya sa tunay na dahilan ng pagbaba sa puwesto ng dalawang opisyal.

Nakasaad sa rule of a succession sa ilalim ng RA 7160 o Local Government Code, si Datu Aguak ang uupo bilang alkalde dahil siya ang no.1 konsehal sa nakalipas na May 2019 elections.

Habang si Councilor Bai Janine Ampatuan Mamalapat naman ang uupong bagong bise alkalde.

 

162

Related posts

Leave a Comment