MENINGO SCARE SA SELDA

binan laguna12

(NI NILOU DEL CARMEN)

TAKOT ang namamayani  sa selda ng mga babaeng inmates sa Biñan City police lock up cell dahil sa pagkasawi ng isang inmate dahil sa hinihinalang kaso ng meningococcemia.

Karamihan sa 133 mga inmates na nagsisiksikan sa iisang selda ay nakasuot ng facemask maging ang kanilang mga bantay na pulis.

Ipinagbawal din muna ng mga awtoridad ang pagdalaw sa mga inmates maging ang pag-uwi ng bahay ng mga nakaduty na pulis hanggat hindi lumalabas ang resulta sa pagsusuri sa  inmate na  nasawi sa Tropical Medicine Hospital (RITM) sa Alabang.

Bagamat wala pang kumpirmasyon buhat sa mga RITM, kinuhanan na rin ng blood sample ang mga inmates at ang mga pulis at pinainom na rin ng gamot ang mga ito.

Sabado ng ala 1:30 ng madaling araw ng isugod sa Ospital ng Biñan ang 23 anyos na inmate na  si Georgina Atabug, matapos na makaramdam ito ng umano ay mga sintomas ng menigococcemia.

Inilipat din kaagad ito sa RITM subalit ideneklara itong patay dakong alas 2:40 ng Sabado rin ng hapon.

Hindi pa rin natutukoy ang eksaktong ikinamatay ng inmate na nakulong nito lamang nakaraang buwan dahil sa pagsusugal ng tong-its.

Ayon sa mga opisyal ng RITM, apat na araw pa bago malaman ang resulta ng pagsusuri sa nasawing inmate.

137

Related posts

Leave a Comment